Isinagawa ng Philippine Pediatric Society ang isang advocacy program sa bayan ng San Agustin tungkol sa teenage pregnancy.
Pinangunahan ito ni Dra. Aubrey Rose Ricerra – Solano na naging pangunahing tagapagsalita sa programa na may temang “Project: Teen-Spired” at #WagMunaBesh.
Base sa datos ng Rural Health Unit ng bayan na inanunsyo sa ginanap na flag raising ceremony ng munisipyo nitong Lunes, July 10, mula noong Enero 2023, umabot na sa 16 ang bilang ng mga kaso ng teenage pregnancy sa buong bayan.
Layunin ng advocacy program na ito na maibsan ang mga kaso ng maagang pagbubuntis sa mga kabataan.