Pormal na pinagtibay ng Lokal na Pamahalaan ng Alcantara at ng National Authority for Child Care (NACC) – Regional Alternative Child Care Office (RACCO) MIMAROPA ang kanilang pagtutulungan sa pamamagitan ng paglagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) upang higit pang mapalakas ang pagpapatupad ng mga programa para sa adoption at alternative child care.
Sa ilalim ng kasunduan, magsasagawa ang dalawang panig ng mga inisyatibang nakatuon sa kapakanan ng mga batang nangangailangan ng pangangalaga at proteksyon, kabilang ang pagsusulong ng ligtas, matatag, at mapagkalingang kapaligiran para sa kanila.
Ayon sa NACC-RACCO MIMAROPA, ang pakikipagtuwang sa LGU Alcantara ay bahagi ng patuloy na pagpapalawak ng child-centered programs sa rehiyon upang mas maraming bata ang mabigyan ng pagkakataong mapabilang sa mapagmahal at permanenteng pamilya sa pamamagitan ng adoption at iba pang alternative child care services.
Sinabi rin ng ahensya na ang kasunduan ay nagpapatibay sa koordinasyon ng NACC at ng mga lokal na pamahalaan sa MIMAROPA sa pagsusulong ng mga programang nagbibigay-priyoridad sa pinakamahusay na kapakanan ng mga bata.



































Discussion about this post