Ayon sa pinakahuling datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) MIMAROPA; nasa Php 3,378,897.21 na kabuong tulong ang naipagkaloob ng ahensiya sa mga naapektuhan ng Low Pressure Area (LPA) at mga malawakang pagbaha sa rehiyon partikular sa mga lalawigan ng Oriental Mindoro at Palawan.
Napapaloob sa higit Php3M na tulong na ito ay ang pamamahagi ng 3,624 Family Food Packs, 1,175 Collapsible Water Container, 50 Hygiene Kits, 50 Sleeping Kits, 50 Family Kits, at 50 Kitchen kits sa mga apektadong pamilya at mga indibidwal.
Sumatutal, sa kasalukuyang datos, nasa 26,476 na pamilya o may katumbas na 130,168 na indibiwal ang naapektuhan mula sa naturang probinsya. Dalawang (2) evacuation center naman ang kasalukuyang ginagamit sa Oriental Mindoro at 44 na pamilya o may katumbas na 158 na indibiwal ang kasalukuyang inilikas dito.
Bukod sa mga nabanggit na tulong ng ahensiya, nagsagawa rin ng pagkilos ang Philippine Coast Guard (PCG) katuwang ang mga barangay volunteers upang mag-repack ng may 1,500 FFPs; ang iba naman sa mga ito ay nakaopag vacuum seal ng 1,600 rice, nakapag gawa din ang mga ito ng may 1,500 na mga kahon na pinaglagyan ng mga tulong sa naapektuhan. Nagkaloob naman ang Office of the Civil Defense (OCD) sa probinsya ng Palawan ng 911.64 na litro ng krudo bilang pagkukunan ng enerhiya sa mga naapektuhang lugar. Nagkaloob din ang naturang ahensiya ng 50 FFPs sa bayan ng Brooke’s Point sa Palawan. Samantala, nagkaloob din ang DSWD sa pamamagitan ng Social Welfare and Development Team (SWDT) Oriental Mindoro ng hygiene kits, family kits, sleeping kits, at kitchen kits sa mga apektadong pamilya sa bayan ng Naujan. Nagkakahalaga ito ng Php 29,704.96.
Samantala, kasalukuyan pa ring nakikipag-ugnayan ang ahensiya sa mga Lokal na Pamahalaan upang mapabilis at maging maagap ang pamimigay ng ayuda sa mga natitirang barangay na apektado pa rin ng pagbaha at LPA. (JJGS/PIA MIMAROPA)