Nagsagawa noong August 12 ng Operation Tuli ang Rural Health Unit ng San Agustin sa Barangay Poblacion bilang second round ng kanilang programa.
Nakiisa sa ginawang libreng tuli sina Dr Gerald Lyndon Gabriel Felix,Sir Earl Solidum Foja, mga empleyado ng Tablas Island District Hospital, mga BHWs, at mga volunteers.
Matatandaang ang unang batch ng libreng tuli ay ginawa noong Hunyo.
Ayon sa ilan, ang pagpapatuli ay may magandang benepisyo sa katawan ng mga lalaki katulad ng personal hygiene, mas maliit na posibilidad ng pagkakaroon ng impeksyon sa daluyan ng pag-ihi, mas maliit na posibilidad na pagkakahawa sa mga STDs, pag-iwas sa mga problema sa ari ng mga lalaki, at nagpapababa ng tiyansa ng penile cancer.