Dalawang araw bago ang elskyon, nagtipon-tipon ang may aabot sa 600 kabataan sa bayan ng Odiongan upang sabay-sabay na manalangin ng mapayapang eleksyon sa darating na Lunes.
Ang nasabing aktibidad ay inorganisa ng Youth of the Iglesia Filipina Independiente – Diocese of Romblon and Mindoros.
Nagsagawa sila ng unity walk na sinundan ng isang programa kung saan hinimok ang publiko lalo na ang mga kabataan na bumuto ng may dignidad.
Naroon rin ang mga Hanay ng kaparian sa pangunguna ng Kanilang Obispo Ronelio Fabriquier at Hanay ng mga Lider Kabataan ng Odiongan sa pangunguna nina Sanny Fajutrao at Engr. Reden Escarilla.
Pumirma rin ang mga kabataang dumalo sa isang pledge of commitment.