• RNN TV
  • RNN Radio
  • Advertise with RNN
  • About Us
  • Careers
Friday, November 27, 2026
28 °c
Romblon
28 ° Sat
28 ° Sun
27 ° Mon
Romblon News Network
web header ads 728x90
pmt_728x90
hb_728x90px
Big1 2026 728x90
Gasul 2026 728x90
ADVERTISEMENT
  • Home
  • News
    • All
    • Foreign News
    • Local News
    • National News
    • Regional News
    Madrona, pinasalamatan ang mga konsehal sa suporta sa paglilipat ng RPH sa DOH

    Madrona, isinusulong ang kahalagahan ng personal na pagbisita sa bawat barangay

    Hontiveros urges measures penalizing discrimination of covid-19 health workers, frontliners

    RSU, pinag-aaralang magdagdag ng Nursing at iba pang medical-related courses

    RSU grads, topnotchers sa Teachers Board Exam

    RSU grads, topnotchers sa Teachers Board Exam

    562 benepisyaryo sa Cajidiocan, nakatanggap ng ayuda sa ilalim ng DSWD-UPLIFT Program

    562 benepisyaryo sa Cajidiocan, nakatanggap ng ayuda sa ilalim ng DSWD-UPLIFT Program

    Magnitude 5.1 na lindol sa Antique, ramdam hanggang Romblon

    Magnitude 5.1 na lindol sa Antique, ramdam hanggang Romblon

    Tatlong RNN scholars, pumasa sa Agricultural and Biosystems Engineers Licensure Examination

    Tatlong RNN scholars, pumasa sa Agricultural and Biosystems Engineers Licensure Examination

    Madrona naghain ng panukalang magtatag ng LTFRB district office sa San Agustin

    Madrona naghain ng panukalang magtatag ng LTFRB district office sa San Agustin

    OWWA, namahagi ng tulong-pinansiyal sa mga OFW at pamilya sa Romblon

    OWWA, namahagi ng tulong-pinansiyal sa mga OFW at pamilya sa Romblon

    OWWA MIMAROPA, naghatid ng serbisyo para sa mga OFW at pamilya sa Romblon

    OWWA MIMAROPA, naghatid ng serbisyo para sa mga OFW at pamilya sa Romblon

  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
    • All
    • Daplis Lang!
    • Editorial
    • Thought of Wisdom
    • U_Spy
    Todo Pina: Hataw Na!

    Todo Pina: Hataw Na!

    Op-Ed: Ang mga ka katatakutan sa Romblon

    Op-Ed: Ang mga ka katatakutan sa Romblon

    Op-Ed: Ang mga ka katatakutan sa Romblon

    Op-Ed: Ang mga kabanalan sa Romblon

    Kauna-unahang indoor pickleball court sa Odiongan, pormal nang binuksan sa publiko

    Todo Pina: Pickleballmania hits Odiongan by Storm

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Terminal fee sa Batangas Port, aakyat sa ₱60 simula Enero 2026

    Op-Ed: Modernong Terminal, Mahinang Signal

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Pamahalaang Panlalawigan, magpapadala ng ayuda sa Sibale Island

    Op-Ed: Mas Mahal ang Hindi Pakikinig

  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
No Result
View All Result

  • Login
  • Register
28 °c
Romblon
28 ° Sat
28 ° Sun
27 ° Mon
No Result
View All Result
Romblon News Network
No Result
View All Result
Home News Local News Sibuyan Island

Bagong endemic gecko species natuklasan sa Sibuyan Island

Paul Jaysent FosbyPaul Jaysent Fos
July 3, 2026
in Sibuyan Island
Reading Time: 9 mins read
104
0
Bagong endemic gecko species natuklasan sa Sibuyan Island
Share on FacebookShare on Twitter

Nadagdagan ang talaan ng mga endemic species sa Sibuyan Island matapos matuklasan ng mga siyentipiko ang isang bagong uri ng gecko na matatagpuan lamang sa isla.

Ang bagong species na Luperosaurus alvarezi, isang fringed forest gecko, ay inilarawan sa international peer-reviewed journal na PeerJ matapos ang isinagawang morphological at molecular analyses ng mga mananaliksik na sina Camila Meneses at Rafe Brown.

Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) MIMAROPA, ang pagtuklas ay nagpapatibay sa pagkilala sa Sibuyan Island bilang isa sa pinakamahahalagang biodiversity areas sa Pilipinas at nagpapakita ng kahalagahan ng patuloy na pangangalaga sa mga natitirang kagubatan nito.

Pinangalanan ang bagong species bilang Luperosaurus alvarezi bilang pagkilala sa yumaong Filipino taxonomist at ecologist na si Dr. James D. V. Alvarez dahil sa kanyang ambag sa pananaliksik at konserbasyon ng biodiversity sa bansa.

Nabatay ang pag-aaral sa mga specimen na nakolekta sa kagubatan ng Sibuyan Island, kabilang ang Mount Guiting-Guiting Natural Park, isa sa mga pangunahing protected area sa Pilipinas na kilala sa mataas na antas ng biodiversity at endemism.

Nauna nang inanunsyo ng mga siyentipiko ang pagkakatuklas ng Platymantis guiting, isa ring endemic frog species sa Sibuyan, na nagpapakita na nananatiling mahalagang lugar ang isla para sa pagtuklas ng mga bagong species.

Ayon sa pag-aaral, may mga natatanging pisikal na katangian ang Luperosaurus alvarezi na nagpapakita na isa itong hiwalay na evolutionary lineage mula sa iba pang kilalang species ng kaparehong genus.

Binigyang-diin din ng mga mananaliksik ang kahalagahan ng patuloy na pangangalaga sa mga kagubatan ng Sibuyan dahil sa limitadong distribusyon ng bagong species at sa mga banta tulad ng illegal logging, habitat degradation, at iba pang gawaing maaaring makasira sa kalikasan.

Sinabi ng DENR MIMAROPA na patuloy itong nakikipagtulungan sa mga siyentipiko, protected area managers, lokal na pamahalaan, Indigenous Peoples, mga akademikong institusyon, at iba pang conservation partners upang maisulong ang mga programang nakabatay sa siyensya para sa pangangalaga ng biodiversity.

Ayon sa ahensya, ipinakikita ng mga bagong tuklas na nananatiling isa ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamataas na biodiversity sa mundo at mahalaga ang pagpapatuloy ng mga biodiversity assessment, scientific research, at conservation initiatives upang maprotektahan ang mga natatanging species at kanilang mga tirahan.

Related Posts

562 benepisyaryo sa Cajidiocan, nakatanggap ng ayuda sa ilalim ng DSWD-UPLIFT Program

562 benepisyaryo sa Cajidiocan, nakatanggap ng ayuda sa ilalim ng DSWD-UPLIFT Program

November 25, 2026
Bagong multipurpose building sa Cajidiocan National High School, sinimulang itayo

Bagong multipurpose building sa Cajidiocan National High School, sinimulang itayo

November 23, 2026

Popular Stories

  • 81-anyos na Lolo, natagpuang patay sa baybayin sa Alcantara

    Shoplifters na mga estudyante, nahuli ng security sa Hataw Shopping Center

    1638 shares
    Share 655 Tweet 410
  • RSU, pinag-aaralang magdagdag ng Nursing at iba pang medical-related courses

    117 shares
    Share 47 Tweet 29
  • Madrona, isinusulong ang kahalagahan ng personal na pagbisita sa bawat barangay

    24 shares
    Share 10 Tweet 6
  • Ating Alamin: Consanguinity and Affinity

    9870 shares
    Share 3948 Tweet 2468
  • OWWA MIMAROPA, naghatid ng serbisyo para sa mga OFW at pamilya sa Romblon

    118 shares
    Share 47 Tweet 30
Romblon News Network

We are an independent and apolitical digital media organization first ever established in the Province of Romblon.

MORE NEWS

Presyo ng gasolina, diesel at kerosene, muling bababa simula Nobyembre 24

400 punla ng Mangrove, Bitaog at Narra, itinanim sa San Agustin at Calatrava

Isiah Hospital CEO, nanawagan na ituro ang CPR at first aid sa mga estudyante

TRENDING FOR THE MONTH

Rider, patay sa aksidente sa Odiongan nitong Araw ng mga Santo

Clerk ng korte sa Romblon, sinibak ng Supreme Court dahil sa nawawalang ₱598,444 na pondo

Shoplifters na mga estudyante, nahuli ng security sa Hataw Shopping Center

  • Home
  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use

© 2013-2026. All Rights Reserved. Romblon News Network (RNN) and RNN.TV. Powered by Pixxelsis Digital Media

Welcome Back!

Login to your account below

Forgotten Password? Sign Up

Create New Account!

Fill the forms bellow to register

All fields are required. Log In

Retrieve your password

Please enter your username or email address to reset your password.

Log In

Add New Playlist

No Result
View All Result
  • Home
  • News
  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
  • Login
  • Sign Up