Magaling na ang kauna-unahang Covid-19 patient ng bayan ng San Fernando, batay sa ulat nitong Biyernes ng Provincial Epidemiology Surveillance Unit (PESU).
Ayon sa PESU, dalawang beses na kinunan ng swab samples ang pasyente para isalang sa reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) kung saan dalawang beses rin siyang na negatibo, dahilan upang ideklara siyang Covid-19 Free.
Kahit papayagan ng lumabas ng pasyente, kailangan niya paring mag home quarantine bago payagang lumabas sa kanyang pamamahay.
Samantala, nag negatibo rin sa Covid-19 ang 9 na close contact ng ikalawa at ikatlong Covid-19 patient ng San Fernando.
Ayon sa Rural Health Unit ng San Fernando, may tatlong RT-PCR result nalang silang hinihintay at ito para sa mga swab samples ng dalawang health worker, at isang locally straded individual o LSI.
Paalala ng San Fernando RHU sa publiko, huwag magpanic at maging kalmado lamang at sumunod sa mga health protocols na ipinatutupad ng Department of Health kabilang na ang palagiang pagsusuot ng face masks kung lalabas, ang pag-obserba sa social distancing, at ang laging paghuhugas ng kamay.