Inanusyo ng Romblon Electric Cooperative Inc. (ROMELCO) na magkakaroon sila ng bawas singil ngayong buwan para sa lahat ng consumers nila sa lalawigan ng Romblon.
Ayon sa ROMELCO, simula Pebrero 2020 ay hindi na isasama sa mga bills ng consumer ang tinatawag nilang Universal Charge for Stranded Contract Cost o UC-SCC na nagkakahalaga ng P0.0543 per kilowatt.
Ito po ay base na din sa direktang utos ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation (PSALM) ayon sa kanilang desisyon na inilabas noong April 10, 2019 Para sa Case No. 2015-139 RC kung saan napapaloob ang pagrekober ng National Power Corporation sa Stranded Contract Cost na nagkakahalaga ng P5,117,060,647.80.
Batay sa bagong adjustment ang typical household na kalimitang gumagamit ng 200 kilowatt kada buwan ay mababawasan ng P10.86 sa kanilang buwanang binabayaran sa ROMELCO.