Kasunod ng pagdami ng bilang ng nagkakasakit dahil sa dengue sa karatig na bayan ng San Agustin, Romblon, nagsagawa na ngayong araw ng misting activity sa iba’t ibang barangay ang mga tauhan ng Rural Health Unit.
Dala-dala ang tatlong misting machine, tumulak ang grupo ng mga empleyado ng Rural Health Unit ng San Agustin sa Barangay Carmen para maagapan ang posibleng pagdami ng mga lamok na may dengue virus.
Pinayuhan na rin ng Local Government Unit ang mga barangay officials na regular na magsagawa ng clean-up drive sa kanilang mga lugar para masira ang mga lugar o bagay na posibleng pamahayan ng mga lamok.
Sa huling taya ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU), aabot na sa 264 ang naitatalang kaso ng dengue sa probinsya mula January hanggang August 1 ngayong taon, kabilang na rito ang dalawang pasyenteng namatay.