Ipinag-utos ng Sixth Division ng Sandiganbayan ang 90-days preventive suspension para kay Romblon Representative Eleandro ‘Budoy’ Jesus Madrona dahil sa kasong kinakaharap nito na may kaugnayan sa P4.8 million fertilizer fund scam noong 2004.
Si Madrona ay nahaharap sa kasong di umano’y paglabag sa Section 3(e) of R.A. 3019 or the Anti-Graft and Corrupt Practices Act noong siya pa ay Gobernador matapos bumili ng mga liquid fertilizers sa Feshan Philippines Inc. ng hindi dumadaan sa public bidding.
Sa resolution na nilabas ng Sandiganbayan noong June 17, pinagpaliwanag sina Madrona at kanyang mga kasama na sina provincial administrator Joel Angcaco Sy, provincial agriculturist Geishler Fiedcan Fadri, and senior agriculturist Oscar Placito Galos, kung bakit hindi sila dapat suspendehin.
Ngunit hindi pwedeng masuspende sina Galos at Fadri dahil wala na sila sa Gobyerno habang si Sy naman ay namatay na noong January.
Si Madrona nalang ang nanatiing nasa government service matapos manalo na Congressman ng Romblon noong eleksyon. Sa halip na kontrahin ang kautusan ng Sandiganbayan, hinayaan nalang ng Congressman na siya ay masuspendi.
Nilabas ang desisyon ng Sandiganbayan noong August 5.