Magkasunod na ipinasa ngayong araw sa ginanap na special session ng Sangguniang Bayan ng Odiongan ang 2019 Annual Investment Program at ang 2019 Annual Performance Budget ng pamahalaang lokal.
Ito ay kasunod ng pag reconvene ng Municipal Development Council (MDC) nitong nakaraang Linggo kung saan na pag-usapan ang Resolution No. 2019-01 o ang “Resolution Sending the MDC Budget (20% Development Fund 2019) to the MDC for their Consideration and Further Deliberation on the Proposal of the Sangguniang Bayan of Odiongan, Romblon”.
Sa mosyon ni Committee on Appropriation Chairman, Chao Chua, unang ipinasa ng walang pagtutol ang 2019 Annual Investment Program na may budget allocation na aabot sa halos 174 million pesos, at isununod ang kabuong 2019 Annual Performance Budget.
Sa remarks ni Vice Mayor Mark Anthony Reyes, sinabi nito na hindi siya pabor sa paglagay ng appropriate ng 8 million pesos para sa government center na kinuha sa 20% development fund ng bayan.
“Considering that on the IAP, the 8-million for the construction of the Municipal Hall aka Gov’t center is appropriated, it’s the only part that I’m objecting, because I believe there are legal issue on that…one is we still don’t have the title of the lot,” ayon kay Reyes.
Sa remarks rin ni SB Rollie Lachica, sinabi nito na hindi rin siya pabor sa paglagay ng 8 million pesos para sa government center pero ito umano ay pag-uusapan nalang kapag nasa Sangguniang Bayan na ang proyekto, sa ngayon umano ay dapat muna umanong ipasa at i-konsidera ang 2019 budget.