Opisyal ng pinaliawan nitong Linggo, December 09, ang mga higanteng parol na ginawa ng mga Sangguniang Kabataan (SK) ng iba’t ibang barangay sa bayan ng Odiongan kung saan karamahin rito ay gawa sa iba’t ibang recycled materials.
Ilan sa mga ginamit sa paggawa ng parol ay mga plastic bottles, mga sirang tarpulin, plastic, at iba pa.
Ayon kay SK Municipal Federation President Kaila A. Yap, ang kanilang paggamit ng mga recycled materials sa paggawa ng mga parol ay nagpapakita ng kanilang pagtulong sa para maingatan ang kapaligiran, at awareness na rin umano sa ilan pang kabataan.
Dumalo naman sa lighting ceremony kanina sa Odiongan Children Park and Paradise si Mayor Trina Firmalo-Fabic at Vice Mayor Mark Anthony Reyes kung saan parehong pinuri ng dalawa ang pagiging aktibo ng mga bagong halal na SK Officials sa pangunguna ni Yap.
Ang mga pinakamagandang parol at mananalo ay makakatanggap ng premyo mula sa Local Government ng Odiongan.
{loadmoduleid 408}