Naging mapayapa sa pangkahalatan ang paggunita ng All Saints’ Day at All Soul’s Day sa probinsya ng Romblon ayon sa tagapagsalita ng Romblon Police Provincial Office.
Ayon kay Police Senior Inspector Ledilyn Ambonan, walang naitalang insidente ng panggugulo sa paggunita ng UNDAS sa lalawigan sa loob nitong nakalipas na dalawang araw.
“…zero incidedent po tayo [ng] November 1 at November 2, as of this time po [11PM],” ayon sa text message ni Ambonan sa Romblon News Network.
Maliban sa pagbibigay ng mga flyers at paalala sa matiwasay na paggunita ng UNDAS, nagpakalat rin ang Romblon Police Provincial Office ng mga tropa ng PNP sa mga sementeryo at nagsagawa rin ng ilang random checkpoints.
Matatandaang isinailalim ng Philippine National Police ang lahat ng Police Provincial Office sa bansa sa ‘highest security alert status’ bilang paghahanda sa UNDAS 2018.