Ilalabas daw ng DILG ang listahan ng mga pulitikong sangkot sa druga ayon kay DILG Secretary Eduardo Año bago ang 2019 midterm elections. Ayos din ano, ika nga, ‘very timely’. Baka naman, puro ‘dilawan’ kuno ang lumabas sa listahan ng mga narcopoliticians?
Halos tatlong taon na rin nating naririnig at nababasa sa mga balita ang narcolist – narcolist na yan. Dati nga, mismong ang Pangulo ang naglabas ng narcolist, tapos may matrix pa. Maraming sangkot na mga pulitiko, pati na rin ang mga generals. Dati nga, hindi pa malaman kung saan nanggaling ang listahan, may nagsabi kay Ramos daw, may nagsabi sa PDEA, NBI, PNP, DOJ, pero itinanggi naman ng mga nasabing ahensya nang tanungin ng mga kagawad ng media.
E kamusta na rin naman kaya ang listahan, lalo na yung mga nasa listahan? Ilan na rin naman ang nakasuhan at naipakulong?
Kung talagang reliable ang listahan at malakas ang ebidensiya na sangkot nga sa druga ang mga pulitko na yan, bakit hindi kasuhan? Bakit puro matrix at listahan mga sirs? Nakakasawa na tuloy pakinggan!
Biruin mo nga naman, abala sila sa paggawa ng listahan, samantalang sa BOC naman e bilyung-bilyong shabu ang nakakalusot, ah eheste ‘nalusutan lang talaga’ pala.