Maaga palang ay nag-aabang na ang mga taga-suporta ng grupo nina incumbent Sangguniang Panlalawigan member Venizar Maravilla na naghain ng kanyang kandidatura para sa pagka-alkalde ng bayan ng Odiongan sa 2019 elections. Inaasahang kakalabanin ni Maravilla si incumbent Odiongan Mayor Trina Firmalo-Fabic.
Kasamang naghain ni Maravilla ng certificate of candiday sa Commission on Elections (Comelec) ang kanyang katandem sa pagka bise-alkalde na si incumbent Odiongan Vice Mayor Mark Anthony Reyes, at ang pitong tatakbo para sa pagka-konsehal ng bayan na kapartido ng mga nabanggit.
Sumaksi rin sa pag-file ng kanilang kandidatura ang mga leader ng kanilang grupo na tinawag nilang ‘BOAT’ o sina [Ex-Cong] Budoy Madrona, [Vice Governor] Otik Riano, [SPM] Armando Gutierrez, at [Congressman] Toto Madrona kasama ang iba pang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan at si dating Odiongan Mayor Roger Fodra.
Ang grupo nina Maravilla at Reyes ang unang kandidatong nag-file para sa Mayor, Vice Mayor slot ng Odiongan, Romblon.