Nanumpa na ngayong Miyerkules bilang bagong miyembro ng Sangguniang Panlalawigan si Atty. Rynbert Anthony L. Maulion.
Siya ang pumalit kay SP Robert Maulion, na pinaslang noong nakaraang taon sa kanyang tahanan sa bayan ng Odiongan.
Mismong si Governor Jose Riano ang nag administer ng oath ni Atty. Maulion sa opisina ng una sa bayan ng Romblon, Romblon.
Kasama ni SP Ram Maulion ang kapatid niya na si Mr. Glen Maulion at si Bgy. Chairman Milo Maulion of Panique.
Ang termino ni SP Ram Maulion ay magtatagal hanggang sa susunod na halalan sa susunod na taon.