Hakot awards nanaman ang lalawigan ng Romblon sa katatapos lang na Regional Science and Technology Week (RSTW) Celebtration na ginanap sa bayan ng San Jose, Occidental Mindoro nitong October 12, 2018.
Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) – Romblon Provincial Science and Technology Center (Romblon PSTC) Provincial Director Lina Servañez, nakakuha ng DOST MIMAROPA Best Technoprenuer Awards ang mga taga-Romblon sa Core Non-Food Category at Non-Core Category.
Nakuha ng Poctoy Automotive ang first prize sa Core Non-Food Category at second prize naman ang nakuha ng Darnel Iron. BNS-Odiongan naman ang nakakuha ng second prize sa Non-Core Category at third price ang nakuha ng Sta Maria Seaweeds Farmers.
Nabigyan ang mga nanalo ng Trophy at cash awards mula sa opisina ng Department of Science and Technology (DOST) – MIMAROPA.
Ang nasabing event ay dinaluhan ng iba’t ibang Technoprenuer mula sa iba’t ibang probinsya sa MIMAROPA Region (Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan).