Narito ang ilang key highlights ng mga accomplishments ng Local Government Unit ng Odiongan na ibinahagi ni Mayor Trina Alejandro Firmalo-Fabic sa kanyang ikalawang Ulat sa Bayan na ginanap sa Odiongan Public Market nitong August 08.
LOCAL ECONOMY
Sa Ulat sa Bayan ni Mayor Fabic, ibinahagi niya rin ang ilang update patungkol sa lagay ng ekonomiya sa bayan ng Odiongan, ito ang mga sumusunod:
- Ang total assets ng negosyo na naka-invest sa Odiongan ay mahigit isang bilyong piso na nagpapakilala sa lagay ng ekonomiya ng bayan
- Mas pinalakas ang economic enterprises ng Munisipyo katulad ng Palengke, Slaughterhouse, at Sementeryo
- Ngayong 2018 tumaas ng kakaunti ang buwis na sinisingil ng munisipyo sa mga negosyante alinsunod sa 2013 Revised Revenue Code ng Odiongan
- Lumago ang local income ng Odiongan ng 8.64% noong 2016, at noong 2017 ay tumaas pa siya ng 13.27%. Inaasahan rin ngayong taon na aakyat ito ng halos 16% hanggang 18%
- Noong 2017 ang collection efficiency rate sa pagkolekta ng buwis ay sumobra sa target kung saan umabot ng 103% sa local taxes at 130% sa other taxes
- Ang local income ng Odiongan noon ay sa P30-million per year at ang target ngayong taon ay mahigit P42-million
INFRASTRUCTURE PROJECTS
Sinabi rin ng alkalde na para mas mapaganda pa ang ekonomiya ng bayan, maraming infrastructure projects rin ipinagawa at bayan nitong mga nakaraang taon. Narito ang ilang malalaking proyekto ng munisipyo sa pakikipagtulungan ng Municipal Engineering Office, Office of the Municipal Planning and Development Coordinator, Department of Public Works and Highways, at ng Provincial Government ng Romblon:
- Concreating ng Access Road patungo sa Public Market
- Concreating ng Baywalk sa Tabin-Dagat
- Development ng Covered Court facilities
- Bumili ng lupa sa Barangay Rizal para magkaroon ng memorial park/sementeryo para sa Barangay Rizal at kalapit na Barangay
- Pagtatayo ng Tumingad Barangay Health Station at Rehabilitation sa Health Center sa Gabawan, Progreso Weste
- Budget para sa pagtatayo ng Odiongan South Terminal, at sa New Odiongan Municipal Hall
- Water System sa mga Barangay Progreso Este, Tumingad, Tuburan, Canduyong, Libertad, Malilico, at Tulay
- Evacuation Centers sa Gabawan at Anahao
- Paglalagay ng mga CCTV Cameras sa sentro ng bayan
- Access Road sa bagong tayong Gabawan National High School, at Fish Port sa Batiano
- Pagtatayo ng meat processing center sa Odiongan Public Market
- Pagtatayo ng bagong Odiongan Municipal Police Station
- Cross Country Road mula Odiongan patungong Santa Maria (Department of Agriculture via Provincial Government)
- Bypass Road sa Tulay – Dapawan – Poctoy – Patoo – Batiano (DPWH)
EDUCATION
Patuloy umano ang suporta ng Local Government Unit ng Odiongan sa mga paaralan sa bayan ng Odiongan lalo na pagdating sa mga kompetisyon sa Provincial, Regional, at National levels gayun na rin pagdating sa mga sports activity katulad noong 2017 Provincial Meet.
Nag-aalok rin ang LGU Odiongan ng masteral schoolarship sa Romblon State University para sa mga guro.
Pinasalamatan rin ni Mayor Fabic ang mga private partners na tumulong sa pagtatayo ng Gabawan National High School mula sa pagtatayo ng mga classrooms hanggang sa mga pathways. May private donor rin umano na magbibigay ng budget para sa kindergarteen classroom sa Boliganay Elementary School.
HEALTH
Pagdating naman umano sa kalusugan, kaagapay ng Munisipyo ang Rural Health Unit ng bayan na patuloy sa pagbibigay ng mga medical na serbisyo sa mga buntis, sanggol, bata, senior citizens, mga may sakit ng tb, hypertension, at iba pa.
Sa tulong naman ng Sangguniang Bayan ng Odiongan nakapaglagay ang Munisipyo sa Rural Health Unit ng isang medtech na makakatulong sa laboratoryo ng center.
Sa pamamagitan naman ng Barangay Caravan, maraming Odionganon ring nasa kabarangayan ang nabigyan ng serbisyo ng Rural Health Unit. Ilan sa mga residente ay nabigyan ng libreng checkup, dental checkup, blood typing at blood sugar measuring.
Tinaasan rin ng Sangguniang Bayan ang sahod ng mga 134 Barangay Health Workers mula sa P500 ginawa itong P1,000 kada buwan.
Taong 2017 rin ng bumaba ang malnutrition rate sa bayan ng Odiongan mula sa 5.4% patungo sa 3.55% sa pamamagitan ng feeding program, pagbibigay ng vitamins, education campaign at iba pa. Ang Odiongan rin ay napili bilang most outsanding pagdating sa nutrition program sa lalawigan ng Romblon.
AGRICULTURE
Patuloy naman ang pagbibigay ng assistance ng Munisipyo sa iba’t ibang farmers association sa bayan ng Odiongan katulad ng pagbibigay ng mga gamit pansaka. Pinaganda rin ng Munisipyo ang Municipal Nursery/Greenhouse para may pagkunan ang mga farmers ng mga binhi na kailangan nila sa kanilang pagtatanim. Sisimulan na rin umano sa bayan ng Odiongan ang Urban Gardening.
Ibinahagi rin ng alkalde ang pagkakaroon ng dagdag na araw para makapagbenta ang mga vegetable at fruit producers sa Odiongan Public Market, aniya, ang araw ng Lunes ay ginawa na ring Market Day.
Sa usapin naman umano sa dagat, halos lahat umano ng coastal barangays ay nabigyan ng bangka ang mga Bantay Dagat para masigurong nababantayan ng mga ito ang coastal waters laban sa mga iligal na gawain sa pangingisda.
Unang mga buwan ng 2018 ng ipatupad rin sa bayan ng Odiongan ang ang paglilimita ng mga presyo ng mga binebentang isda sa Odiongan Public Market alinsunod sa Municipal Ordinance na pinasa ng konseho ng Odiongan.
TOURISM
- Pagpapaganda ng Libertad Mangrove Forest and Agua Silvi Culture (TIEZA)
- Pagtatayo ng floating raft (TIEZA, DOT)
- Planong pagkakaroon ng Odiongan River Cruise
- Planong pagkakaroon ng Access Road sa Busay Falls
- Pagkakaroon ng Tricycle Tours para sa Odiongan Town Tour (BAPTODA)
PEACE AND ORDER
Ipinagmalaki rin ni Odiongan Mayor Trina Firmalo-Fabic sa kanyang Ulat Sa Bayan ang pagiging ‘drug-cleared’ municipality ng Odiongan at ng lalawigan ng Romblon. Aniya, ang Odiongan Municipal Police Station ay patuloy ang kampanya para mapanatiling tahimik ang bayan ng Odiongan.
Patuloy ring ipinatutupad sa Odiongan ang curfew para sa mga minors o mga batang edad 18-pababa.
Magtatayo na rin ang Odiongan Municipal Police Station ng Police Outpost sa Barangay Batiano para mas mabilis na makapg responde sa mga barangay sa Norte.
ODIONGAN MUNICIPAL TRAFFIC MANAGEMENT PLAN
November ng taong 2017 ng tumungo sa Odiongan, Romblon para magsagawa ng survey at pag-aarala ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA para makatulong sa Local Government Unit ng Odiongan sa pagbuo sa Odiongan Municipal Traffic Management Plan.
Ayon kay Mayor Fabic, sisimulan ng ipatupad sa huling quarter ng 2018 ang nasabing Traffic Management Plan na makakatulong sa pagluwag ng trapiko sa mga pangunahing lansangan sa bayan.
NO TO SLT CAMPAIGN
Muling inihayag ni Mayor Fabic na ang Local Government ng Odiongan ay hindi nagbabago sa kanilang stand na silay kontra at hindi sang ayon sa operasyon ng Small Town Lottery sa bayan ng Odiongan.