Umaapela ang Philippine Statistics Authority (PSA) – Romblon sa mga respondents na makipag- cooperate sa kanilang mga enumerators at magbigay ng tamang datus o detalye hinggil sa mga katanungan ng mga nagsasagawa ng 2018 Family Income and Expenditure Survey (FIES).
Ito ay pakiusap ni Provincial Statistics Officer Lino Faminialagao, bagama’t hindi maiwasan ang ilang mga problema tulad nang kawalan ng interes ng ilang respondents sa pagsagot sa mga katanungan ng kanilang 61 enumerators.
Ayon kay Faminialagao, ang mga maku-kolektang datus ay magiging batayan ng pamahalaan sa pagpapatupad ng mga programa at proyekto sa buong bansa. Malaking tulong din ito sa mga Local Chief Executives sa pagbalangkas ng mga programang na tutugon sa problema ng kahirapan.
Nilalayon nitong makakalap ng datus ukol sa kinikita ngbisang pamilya, kung saan nanggaling o paanong kumikita ng pera, kung magkano ang gastusin ng buong pamilya at iba pang detalye o impormasyon na nakakaapekto sa kita at gastos ng bawat pamilya.
Nilalayon din ng survey na malaman kung paano naipamamahagi ang kinikita, antas ng pamumuhay, paraan ng paggasta at kung gaano kalaki ang bahagdan ng pagkakaiba ng bawat pamilya.
Matatandaan na nagsimula ang FIES noong Hulyo 9 na tatagal sa loob ng 20 araw ngunit bunsod ng masamang panahon nitong mga nakaraang linggo, maaaring sa unang linggo ng Agosto pa siyento porsientong matatapos ng PSA Romblon ang naturang survey.(
Halos 70 porsiyento na ang nabisita ng mga enumerators ang 1,538 respondents para sa 2018 FIES na ginagawa ng Philippine Statistics Authority (PSA)-Romblon sa 15 bayan ng lalawigan.
Ang FIES ay isang nationwide survey of households na ginagawa kada tatlong taon na layong mabatid ang poverty level ng isang probinsiya kung kaya mas magiging kapaki- pakinabang ang resulta ng survey lalo na sa lokal na lebel. (DMM/PIA-MIMAROPA/Romblon)