Inaprubahan na ng Sangguniang Panlalawigan sa isang special session ngayong hapon sa bayan ng Romblon, Romblon ang request ni Governor Eduardo Firmalo na payagan siya at ang probinsya na pumasok sa isang Memorandum of Agreement (MOA) kasama ang Department of Health MIMAROPA (DOH-MIMAROPA).
Ito ay para sa pagpapaganda ng mga hospital sa lalawigan ng Romblon.
Ayon sa source ng Romblon News Network, sa siyam na miyembro ng konseho kasama si Vice Governor Jose Riano, wala umanong nag-oppose para hindi payagan ang probinsya na pumasok sa nasabing MOA.
Dumalo sa special session sina Vice Governor Jose Riano, SP Samuel Romero, SP Abner Perez, SP Armando Gutierrez, SP Narciso Bernardo Jr., SP Felix Ylaga, SP Fred Dorado, SP Venizar Maravilla, at SP Daphne Robiso.
Sa mga resolution na inupload sa Facebook ni SP Member Bernardo ang mga nasabing hospital ay makakatanggap ng budget para sa improvement, upgrade, pagdagdag ng mga equipments, at construction ng main building, wards, dietry. Ang mga nasabing ospital at ang kanilang budget ay ang mga sumusunod:
- Romblon District Hospital – P14,652,000
Malipayon District Hospital – P19,800,000
San Jose District Hospital – P24,750,000
San Andres Municipal Hospital – P14,221,350
Sibuyan District Hospital – P44,550,000
Don Modesto Formilleza Sr. Memorial Hospital – P19,800,000
Ang mga nabanggit na budget ay bahagi lamang ng P267,376,759.44 na ipagkakaloob ng DOH-MIMAROPA sa probinsya ng Romblon para sa mga health programs nito. Ang nasabing budget rin ang siya sanang pagkukunan para makadagdag ang probinsya ng ng 6 na doctor to the barrio, 36 na nurse, 20 public health associate, 17 na rural health midwife, 4 na dentist, 5 medtech, 16 na universal healthcare implementer, at 2 pharmacists; silang lahat ay ikakalat sana sa buong probinsya para makapagbigay ng serbisyong medical sa mga Romblomanon
Sinabi ni Bernardo na matapos na maipasa ni Governor Eduardo Firmalo nitong Biyernes sa Sangguniang Panlalawigan ang lahat ng dukomento na hiningi sakanya ng mga committee on Health, Legal, at Infra ay agad nila itong pinag-aralan ng mga committee chairman.
Siniguro lang umano ng mga Sangguniang Panlalawigan members na walang kahaharaping problema ang mga dokumento sa darating na panahon.
Ayon pa kay Bernardo, sa loob ng dalawang araw na regular at special session ay tuluyan na nilang inaprubahan ang nasabing MOA.