Namahagi ang Lokal na Pamahalaan ng Calatrava ng mga hygiene kits sa mga bedridden persons with disabilities (PWDs) at mga senior citizen na miyembro ng PWD sa Sitio Pequino at Sitio Acacia, Barangay Balogo, noong July 17.
Pinangunahan ni Mayor Bong M. Fabella, kasama sina Municipal Social Welfare and Development Officer (MSWDO) Levie F. Fajilan at PWD Focal Person Maricor Fedelicio, ang pamamahagi ng tulong at personal na pagbisita sa mga benepisyaryo upang kumustahin ang kanilang kalagayan.
Ayon sa lokal na pamahalaan, ang mga hygiene kits ay ipinagkaloob sa pamamagitan ng 1% PWD/OSCA Fund ng LGU Calatrava bilang bahagi ng mga programang naglalayong mapabuti ang kalusugan at kapakanan ng mga nakatatanda at mga persons with disabilities sa bayan.
Binigyang-diin ni Mayor Fabella na patuloy na magsasagawa ang lokal na pamahalaan ng mga outreach activity upang maihatid ang mga serbisyo sa mga mamamayang hindi madaling makapunta sa mga tanggapan ng gobyerno.
Aniya, layunin din ng mga pagbisitang ito na personal na makadaupang-palad ang mga residente, alamin ang kanilang kalagayan, at matiyak na naaabot sila ng mga programa at serbisyong inihahandog ng pamahalaang bayan.



































Discussion about this post