Arestado sa magkakahiwalay na operasyon nitong Lunes, July 16, ang apat na katao na wanted sa lalawigan ng Romblon.
Sa Romblon, Romblon; naaresto ng mga tauhan ng Romblon Municipal Police Station si Allyn Fernandez Roda, 34-anyos, residente ng Barangay Capaclan, Romblon, Romblon dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 o mas kilalang Anti-Violence Against Women and their Children Act.
Kahalintulad na kaso rin ang dahilan kung bakit personal na sumuko sa Odiongan Municipal Police Station ang isang lalaki sa Odiongan, Romblon. Kinilala ang suspek na si Arnel Fainsan Gabo, residente ng Pag-Alad, San Andres, Romblon.
Sa bayan naman ng San Fernando sa Sibuyan Island, inaresto ng mga tauhan ng San Fernando Municipal Police Station si Roger Ruba Recto, 39-year old, residente ng Barangay Taclobo dahil sa kasong paglabag sa PD 705 o mas kilalang Revised Forestry Code of the Philippines.
Sa Magdiwang naman inaresto si Rodolfo Rosal o alyas Rudy Rodaje, 53, dahil naman sa paglabag sa kasong National Integrated Protected Areas System Act 1992.
Ang mga nabanggit ay nakakulong na sa mga lugar kung saan sila naaresto.