Sinimulan na ng walong munisipalidad sa Romblon ang pamamahagi ng rice assistance sa ilalim ng ₱5-milyong Local Government Support Fund (LGSF) mula sa pambansang pamahalaan, habang isinasapinal naman ng iba pang lokal na pamahalaan ang procurement para sa implementasyon ng programa.
Kabilang sa mga nagsimula nang mamahagi ng bigas ang mga bayan ng Banton, Looc, San Agustin, Romblon, Santa Fe, Calatrava, San Andres, at Concepcion.
Bawat lokal na pamahalaan sa lalawigan ay tumanggap ng ₱5 milyon sa ilalim ng LGSF upang pondohan ang pamamahagi ng rice assistance at suportahan ang food security program ng pamahalaan.
Sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA), sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nakapamahagi na ang pamahalaan ng mahigit 26,000 metriko tonelada ng bigas sa higit 2.5 milyong pamilya sa buong bansa upang makatulong sa pagaan ng epekto ng pagtaas ng presyo ng pagkain.
Ayon sa Pangulo, magpapatuloy ang programa hanggang maabot ang target na 8 milyong pamilyang Pilipino na mabigyan ng rice assistance.



































Discussion about this post