Nanumpa ngayong araw, March 07, ang mga bagong miyembro ng Municipal Advisory Council ng bayan ng Odiongan sa harap ni Police Senior Inspector Kenneth Gutierrez ng Odiongan Municipal Police Station.
Ang nasabing council ay binubuo ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang sector kagaya ng sa Government, Politics, Legal, Business, Media, NGO, Senior Citizens, Academe at Religous.
Pinangunahan ang nasabing council ni Mayor Trina Alejandra Firmalo-Fabic kung saan siya ang chairman, habang vice chairman naman si Municipal Administrator Ramer Ramos.
Ang iba pang miyembro ng Municipal Advisory Council ay kinilalang sina Odiongan DILG Carlito Faina Jr., MCTMC Judge Cirile Maduro Foja, Paul Jaysent Fos ng Romblon News Network para sa Media Sector, Jimmy Uy Tan ng Smart Telecom para sa Business Sector, Fe Firmalo ng Senior Citizen Sector, Pastor Manny Fabro ng Religous Sector, SB Member Rolando Forca ng Kabalikat Civicom para naman sa NGO, at si Ms. Charmain Ganan ng Romblon State University para sa academe sector.
Ang nasabing advisory council ang siyang tutulong sa Odiongan Municipal Police Station para makabuo ng iba’t ibang programa para sa mas mapayapang Odiongan.