Naglagay ang Pamahalaang Lokal ng Calatrava ng libreng WiFi sa ilang pampublikong lugar sa bayan bilang bahagi ng mga hakbang nito upang mapalawak ang access ng publiko sa internet at suportahan ang turismo at digital connectivity.
Maaaring gamitin ng mga residente at bisita ang libreng internet sa Calatrava Cultural and Sports Center, Municipal Park and Museum, Calatrava Public Market, at Municipal Fish Port.
Ayon sa lokal na pamahalaan, maaaring kumonekta ang mga gumagamit sa network na AbanteCalatrava_FREEWIFI upang magkaroon ng libreng internet access habang nasa mga nasabing lugar.
Layunin ng programa na mabigyan ng mas madaling access sa internet ang publiko para sa komunikasyon, pagkuha ng impormasyon, at iba pang online na pangangailangan.
Hinihikayat din ng lokal na pamahalaan ang mga gumagamit ng libreng WiFi na bisitahin ang opisyal na Tourism Portal ng Calatrava kung saan matatagpuan ang impormasyon tungkol sa mga tourist destination, accommodation, lokal na pagkain, mga kaganapan, at travel guides ng bayan.
Bahagi ang inisyatiba ng mga programa ng LGU Calatrava na naglalayong palawakin ang digital services at mapalakas ang promosyon ng turismo sa munisipalidad



































Discussion about this post