Ipinagdiwang ngayong araw ng mga miyembro sa Odiongan ng Kalipunan ng Liping Pilipina (Kalipi) ang 2018 National Women’s Month.
Ang mga miyembro ng Kalipi na galing sa iba’t ibang barangay ng Odiongan ay nag-ikot sa Poblacion nitong umaga ng Miyerkules, March 14, upang makakuha pa ng suporta sa iba pang mga kababaihan na ipagdiwang rin ang National Women’s Month kada taon.
Nagsagawa rin ng forum at seminar sa Odiongan Public Plaza kung saan naging tagapasalita nila ang mga taga-Department of Interior and Local Government kung saan ipinaliwanag ang kahalagahan at karapatan ng mga kababaihan.
Ang National Women’s Month ay ipinagdiriwang kada-buwan alinsunod sa Proclamation No. 224 s. 1988, Proclamation No. 227 s. 1988 at sa Republic Act (RA) 6949 s. 1990.
Related Article: Odiongan’s Ms. Kalipi 2018 encourages women to stand up for themselves