Poooot poooot! the TRAIN has come!
Matapos ipatupad ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion o mas kilala sa tawag na TRAIN law, umaaray na ang mga mamamayan, kahit sa maliit na mga bayan sa lalawigan ng Romblon sa epekto nito. Nariyan ang pagtaas ng presyo ng mga basic goods and commodities, pasahe sa barko at iba pa. Hindi rin umano ramdam ang pagtaas ng net take home pay ng mga empleyado ng gobyerno, dahil bawi rin lang naman umano ito sa presyo ng mga kasalukuyang bilihin, idagdag pa ang nakaambang pagtaas din ng iba pang presyo at singil sa mga serbisyo tulad halimbawa ng kuryente, pagtaas ng kontribusyon sa SSS at iba pa.
Dahil sa usapin ng napakataas na presyo ng isda sa merkado ng Odiongan, na tiyak bunsod at epekto na rin ng TRAIN na yan, lilimitahan ng Lokal na Pamahalaan ng Odiongan ang presyo ng isda, matapos nitong ipasa ang isang ordinansa ukol dito. Naisumite na umano ang nasabing ordinansa sa Sangguniang Panlalawigan, para sa tuluyang pag-aproba nito.
Marami ring mga mamayan ang nagkakaroon ng pangamba na baka mas maramdaman pa umano ang kahirapan kapag naging Federalism na ang sistema ng gobyerno. Maaaring tama, maaaring hindi. Pero ang sigurado, nagkakaroon ang mga mamamayan ng ganitong mga pangamba o agam-agam dahil hindi alam kung ano nga ba ang nilalaman ng proposed na Federalism ng kasalukuyang administrasyon. Bakit nga ba? Obvious naman, kulang ang information desimination ng gobyerno upang ma-educate ang mga mamamayan tungkol sa isinusulong na federalism na yan. Bagamat, kung tutuusin lumalabas din naman sa mga pahayagan ang íka nga ay mga salient provisions ng proposed federalism na kung susuriin ay naglalaman ng mga sumusunod:
- Kapag naipatupad na ang bagong constitution, hahawakan o magkakaroon ng kapangyarihan si Pangulong Duterte bilang Pangulo at Prime Minister.
- Ikakansela ang election next year, meaning mananatili sa pwesto ang mga pulitiko ngaun sa kongreso (super majority).
- Maaaring gawin ni Pangulong Duterte ang lahat (literally everything) sa panahon ng transisyon.
- HIndi tiyak kung hanggang kailan matatapos ang transisyon period.
- Ang nilalaman ng draft constitution ay tila napaka komplikado sa pagpapatupad ng federalism.
Sa totoo nga e, marami sumusuporta sa Federalism pero kung tanungin mo kung ano ang mga salient provisions nito ay hindi alam. (Read more here)
Serbisyo ng isang Courier Company
Isang residente ng bayan ng Odiongan, Romblon ang nagpahatid po sa atin ng sumbong, kaugnay sa serbisyo ng isang Courier company diyan sa bayan. Biruin mo, tila tamad ang mga empleyado nito na hanapin ang padalang package sa bodega nito sa halip, sinasabi na lamang sa customer na “hindi pa ito dumarating”. Oo nga naman, as simple as that. Ang kaso, nabuking dahil mismong kasamang empleyado rin nagsabi na 1 week na pala na nasa bodega ang nasabing padala. Ayan tuloy, hindi na umabot sa pangangailangan ng pinadalhan. Ano ba yan!