Taun-taon ay nagkakaroon ng tinatawag na Regional Schools Press Conference (RSPC) ang bawat rehiyon sa Pilipinas. Ang RSPC ay isang panrehiyong patimpalak na dinadaluhan ng iba’t-ibang mga campus journalists mula sa iba’t-ibang dibisyon ng bawat partikular na rehiyon. Ang mga kwalipikadong kalahok sa RSPC ay ang Top 1, 2 at 3 ng individual contests at Top 1 ng group contests sa isinagawang Division Schools Press Conference (DSPC) ng bawat dibisyon. Ang mga magwawagi naman sa RSPC ay sasabak sa panibagong lebel, ang National Schools Press Conference (NSPC).
Ngayong taon ay ikinansela ang RSPC ng Rehiyon ng MIMAROPA dahil sa bagyong Urduja. Ang unang iskedyul ng RSPC ayon sa regional memorandum ay Disyembre 16-18, 2017 subalit dahil na rin sa nasabing bagyo kung saan apektado ang rehiyon, ito ay ipinostpone para na rin sa seguridad ng mga kalahok ng bawat dibisyon sa rehiyon.
Ang mga dibisyon na magtatagisan ng talino sa larangan ng journalism sa gaganapin na RSPC ng Rehiyon ng MIMAROPA ay ang Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Calapan, Palawan, Puerto Princesa City, Marinduque at Romblon.
Ayon sa panibagong regional memorandum, ang bagong iskedyul ng RSPC ay sa Enero 21-24, 2018 at ito ay gaganapin sa Tagaytay City.