Hindi na inaasahang makaapekto ng mabluha ang bagyong #SalomePH sa lalawigan ng Romblon matapos itong lumayo ng ruta at kasalukuyang tinatahak ang Batangas.
Ayon sa 2AM Weather Bulletin (November 10) ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), as of 1AM ay nasa layong 75km West Northwest ito ng Ambulong Batangas. Bahagyang lumakas ang bagyo at ngayo’y taglay na ang lakas na 65kph malapit sa gitna at 110kph na bugso ng hangin.
Tinatahak ng bagyo ang West Northwest track sa bilis na 22kph.
Dahil sa bahagyang paglakas ng bagyo, itinaas sa Tropical Cyclone Warning Signal #2 ang ilang lugar sa Luzon: Metro Manila, Bataan, Cavite, Laguna, Batangas at ang northern section ng Oriental at of Occidental Mindoro.
Tropical Cyclone Warning Signal #1 naman sa mga lugar ng Bulacan, Pampanga, Southern Zambales, Rizal, Camarines Norte, Marinduque, Quezon, at ang natitirang bahagi ng Oriental at Occidental Mindoro.
Inaasahang Sabado ng umaga ito nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility.