Naaresto sa isinagawang buy-bust operation ngayong gabi ng Odiongan Municipal Police Station sa pangungunan ni Police Senior Inspector Manuel Fernandez Jr. ang isang manghihilot na di umanoy nagbebenta ng mga iligal na gamot na ginagamit sa pampalaglag.
Kinilala ng Odiongan Municipal Police Station ang suspek na si Fe Macsasa Villanueva, 73-years old, residente ng Barangay Poctoy. Kasamang naaresto ni Fe ang kanyang apo na si Jay Villanueva, 20-years old.
Nakuha sa mga suspek ang dalawang piraso ng Cytotec Pills na may halagang 1,000 PHP, at 2 tablet ng hindi pa alam na gamot.
Ang dalawang suspek umano ay nagbebenta ng regulated pill na cytotec na ginagamit ng ilang babae na pampalalag.
Pinaghihinalaang involve rin sa abortion activity ang mga nasabing suspek.
Nakakulong na ngayon ang dalawa sa Odiongan Municipal Police Station at nakatakdang kasuhan ng Paglabag sa Section 25 ng Republic Act 5921 (An Act Regulating the Practice of Pharmacy and Setting Standards of Pharmaceutical Education in the Philippines and for Other Purposes).