Kasabay ng pagdiriwang ng nagdaang ika-119 Araw ng Kalayaan ipinamahagi ng PNP Romblon – Provincial Advisory Council ang mga kagamitang pang-opisina sa lahat ng Municipal Police Station at Romblon PPO Units na pinangunahan ni PAC Vice Chair Joseph Menorca.
Tinanggap ng Romblon PPO, Romblon Public Safety Company, SOCO Romblon at 17 chief of police ang kanilang isinumeteng ‘wish list’ sa Provincial Advisory Council kung kaya ipinagkaloob sa kanila ang computer set, camera, laptop, projector, printer at iba pang kasangkapang pang-opisina na kanilang magagamit sa pagtupad ng kanilang tungkulin.
Sa maikling pananalita ni Menorca, kanyang hiniling sa kapulisan na pangalagaan ang mga gamit na kaloob sa kanila, gamitin ito ng tama sa pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan ng kanilang nasasakupang bayan.
Ang perang ipinambili ng mga kagamitan ay galing sa kinita ng PAC sa ginanap na provincewide Search for Gwapulis 2017 noong Enero at sa pamamagitan ng PAC Resolution No. 2017-05-01 (“A Resolution approving the Acquisition of Proposed Projects for distribution to, and use of, all Romblon PPO Units/ Stations) na inapbrubahan ng konseho ay ipinamili ang P370,000 ng mga gamit na ipamimgay sa pulisya.
Ang pamamahagi ng mga kagamitan ay sinaksihan ni Provincial Director PSSupt. LEO E. Quevedo at mga miyembro ng Provincial Advisory Council na ginanap sa compound ng Romblon Police Provincial Office.