Binigyan na ng deadline ng Sanguniang Bayan ng Odiongan ang mga tricycle owners at operators sa bayan ng Odiongan na hindi pa nakakapag rehistro at nakakapag renew ng kanilang prangkisa kung hanggang kailan na lamang sila pwedeng bumiyahe.
Ayon kay Transportation Committee Chairman ng Sanguniang Bayan ng Odiongan, SB Diven Dimaala, hanggang May 31 nalang pwedeng bumiyahe ang mga triycle na colorum.
Batay sa datus na hawak ng Municipal Council’s Transportation Committee, aabot na sa halos 1,300 ang mga tricycle o tribike na bumabiyahe sa buong bayan ng Odiongan at aabot sa mahigit 200 dito ay mga colorum.
Isa umano sa mga dahilan kung bakit sumisikip ang mga kalsada sa mismong bayan ng Odiongan lalo na kung mga rush hour.
{googleads right}
Ang mahigit 200 umanong colorum na mga tribike ay marami na dahil hindi naman umano lahat ng tribike na naka-rehistro sa kanila ay bumabiyahe po o umaandar pa ang mga motor.
Simula June 01, huhulihin na umano ang mga colorum na tribike na babiyahe ay huhulihin na ng mga kapulisan at mga tauhan ng OTRU.