Ang tangapan ng kagawaran ng kalakalan at industriya o dti ay magsasagawa muli ng diskwento caravan sa ilang bahagi ng probinsiya ng Romblon mula Mayo 15 hanggang Hunyo 1 taong kasalukuyan.
Ayon sa Provincial Caretaker Orville F. Mallorca, mga kagamitang pang paaralan at ilang tanging produkto pambahay ay kanilang ibebenta sa wholesale price o presyong divisoria, ika nga, gaya ng notebook, lapis, ballpen, papel at eraser gayun din ang sabon, sardinas, health drinks at shampoo. Iginiit nya na ang mga ilang produktong nabanggit ay nakuha mula sa mga distributors kaya napakalaki ng matitipid ng mga kababayan natin sa mga kagastusan ngayong pasukan. Sa pagbibigay halimbawa ng DTI, ang kagamitan ng isang mag-aaral na nangangailangan ng 8 notebooks, 1 pad paper, 1 lapis o ballpen, ay aabot lamang sa halagang Php90.50 gayong ang regular na presyo sa nabanggit na gamit ay di kukulang sa halagang Php117.00 o me tipid na Php26.50 na syang pwede namang ipambili ng de-lata, kape, gatas o maaring itumbas na sa kalahating kilo ng bigas.
Nilalayon ng programa ng diskwento caravan na mabigyan ng konting ayuda ang naghihikahos na pananalapi ng pamilyang pilipino bunsod ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo sa pamilihan. Gayundin, inamin ni Provincial Caretaker Mallorca na di ninanais ng programang ito na direktang makipagkompetensya sa ating mga negosyante kaya minarapat nilang di ilapit sa pamilihan (commercial centers) bagkus ay sa mga kampus ng mga paaralan. Maging ang oras ng pagbebenta ay aabot lamang ng 3 hanggang 4 na oras lamang kada bahagi ng kanila caravan.
Kung mapapansin ang panahon ng pagikot ng diskwento caravan ay nakataon sa linggo ng brigada eskwela, ito na ang magandang pagkakataon sa mga magulang at kabangangay na mamili na ng kanilang pangangailangan bago magsimula ang pasukan.
{googleads right}
Para sa kaalaman ng lahat narito ang schedule kung saan at kelan tatakbo ang Diskwento Caravan:
DATE |
DAY |
MUNICIPALITY |
VENUE |
TIME |
15-May |
Mon |
Magdiwang |
Agutay National High School |
8:00 AM – 11:00 AM |
16-May |
Tue |
San Fernando |
España Barangay Hall |
8:00 AM – 11:00 AM |
17-May |
Wed |
San Fernando Covered Court |
8:00 AM – 11:00 AM |
|
18-May |
Thu |
Cajidiocan |
Danao Barangay Hall |
8:00 AM – 11:00 AM |
19-May |
Fri |
Magdiwang |
NC-Magdiwang |
office hours |
20-May |
Sat |
Romblon |
Sablayan Covered Court |
8:00 AM – 12:00 PM |
Alad Barangay Hall |
8:00 AM – 12:00 PM |
|||
22-May |
Mon |
San Agustin |
Bachawan National High School |
8:00 AM – 11:00 AM |
23-May |
Tue |
Long Beach Covered Court |
8:00 AM – 11:00 AM |
|
24-May |
Wed |
Banton |
Banton Covered Court |
1:00 PM – 5:00 PM |
25-May |
Thu |
Tungonan National High School |
7:00 AM – 11:00 AM |
|
26-May |
Fri |
Corcuera |
Alegria Elem. School |
8:00 AM – 12:00 PM |
27-May |
Sat |
Corcuera Covered Court |
8:00 AM – 12:00 PM |
|
31-May |
Wed |
Santa Maria |
Santa Maria National High School |
8:00 AM – 11:00 AM |
01-Jun |
Thu |
Santa Fe |
Santa Fe Covered Court |
8:00 AM – 11:00 AM |