Tampok ngayong taon sa Coconut Food Festival sa bayan ng Odiongan ang iba’t ibang lutong tatak Romblomanon na hinaluan ng buko o niyog.
Sa ginawang Food Festival ngayong araw, March 28, sa Children’s Park and Paradise sa bayan ng Odiongan, naglaban laban ang aabot sa 10 mga kalahok sa pagluto ng iba’t ibang putahi na may halong buko.
Ang isa, nagluto ng rolls na nilagyan ng buko, at mayroon ring nagluto ng native chicken na hinaluan ng buko o ang local version ng binakol.
May isa ring gumawa ng noodles na gata ng niyog ang halo. Meron ring tinawag na Oysterrific uko dahil sa sarap nito.
{googleads right}
Enjoy naman ang mga bumisita at tumikim sa mga luto ng kalahok sa nasabing food festival. Ang ilan dumayo pa galing sa ibang bansa para sa taunang festival.
Ang nasabing food festival ay nasa ika limang taon na ngayong taon at ito ay bahagi ng Kanidugan Festival 2017 celebration ng bayan ng Odiongan sa Romblon.