Suspendido ang lahat ng klase mula Pre-School hanggang High School sa bayan ng Santa Fe simula alas-12:00 ng tanghali ngayong araw dahil sa patuloy na malakas na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog.
Ayon sa Lokal na Pamahalaan ng Santa Fe, ipatutupad ang Alternative Delivery Modes of Learning (ADMs) sa pamamagitan ng synchronous o asynchronous learning upang matiyak ang pagpapatuloy ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa kabila ng masamang lagay ng panahon.
Ayon sa PAGASA, ang nararanasang pag-ulan sa lugar ay dulot ng thunderstorms, na maaaring magdulot ng biglaang pagbaha at pagguho ng lupa sa mga lugar na madaling maapektuhan.
Pinayuhan naman ng lokal na pamahalaan ang mga residente na manatiling alerto at subaybayan ang mga susunod na weather advisory at abiso ng mga kinauukulang ahensya.



































Discussion about this post