Sa 2nd Quarter Barangay Assembly ng Barangay Poblacion, Ferrol, Romblon, hinikayat ni Barangay Chairman David Prado ang mga residente na itali at itago ang kanilang mga alagang aso upang maiwasan ang mga aksidente sa kalsada. Ilang insidente na umano ang naitala kamakailan dahil sa mga pakalat-kalat na aso sa lugar.
Bukod sa kaligtasan, sinabi ni Prado na makatutulong din ito sa pag-iwas sa pagdumi ng mga aso sa mga pampublikong lugar at pagkalat ng rabies, alinsunod sa Republic Act 9482 o Anti-Rabies Act of 2007.
Sa parehong assembly, tinalakay rin ang problema sa basura. Bilang tugon, maglulunsad ang barangay ng lingguhang community clean-up drive upang mapanatili ang kalinisan at maiwasan ang pagkalat ng mga sakit.
Sinuportahan ni Kagawad Emil Gerangue, Committee Chairman ng Committee on Environment, ang mga hakbang ni Prado, na binigyang-diin ang disiplina bilang susi sa kaayusan ng barangay.
Discussion about this post