Ang Tropical Depression Julian ay lumakas pa ngayong Sabado ay naging Tropical Storm na, ayon sa pinakahuling advisory ng PAGASA.
Huling namataan si Julian sa layong 465 km Silangan ng Aparri, Cagayan, at kumikilos ito pa-timog timog-kanluran na may maximum sustained winds na 65 km/h malapit sa gitna at bugso ng hangin na aabot sa 80 km/h.
Sa ulat ng PAGASA kaninang alas-11 ng umaga, September 28, ang mga sumusunod na lugar ay nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal #1: Batanes, Cagayan kasama ang Babuyan Islands, mga hilaga at silangang bahagi ng Isabela (San Pablo, Divilacan, Maconacon, Palanan, Cabagan, Santa Maria, Tumauini, Ilagan City, San Mariano, Santo Tomas, Delfin Albano, Dinapigue), Apayao, at Ilocos Norte.
Kahit na hindi dadaan ang sentro ng bagyo malapit sa Romblon, inaasahan pa rin na magdadala ito ng malakas na hangin sa probinsya sa Linggo at Lunes, ayon sa PAGASA.
Inaasahang October 2 pa makakalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo.