Nagagamit na ngayon ng mga mag-aaral sa Mauricio F. Fabito National High School sa Barangay Alegria, Corcuera, Simara Island, Romblon ang bagong gusaling itinayo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa kanila.
Ang gusali ay isang two-storey, 4-classroom building na itinayo ng DPWH Romblon District Office. Ito ay may steel jalousie windows, pinturadong mga pader at bubong, at maayos na mga palikuran.
Ayon sa DPWH MIMAROPA, ang gusali ay tugon sa dumaraming bilang ng mga estudyante sa paaralan at para na rin sa mas komportableng learning environment.
“The new school building lessens the struggle of the students and boosts the teacher’s effectiveness in teaching,” ayon sa DPWH MIMAROPA.
Dagdag pa ng DPWH, dahil ang gusali ay itinayo sa mataas na bahagi ng barangay, maaari rin itong magsilbing evacuation center kapag may kalamidad.