Iprinisenta ng Department of Science and Technology (DOST) ang kanilang panukalang ₱28.77-bilyong budget para sa 2025 sa House Committee on Appropriations.
Ayon kay DOST Secretary Renato Solidum, ang malaking bahagi ng pondong ito ay ilalaan para sa mga programa sa agham, teknolohiya, at pagpapaunlad ng mga rehiyon.
Layunin ng pondo na palakasin ang Strategic Science Technology Program at Regional Countryside Development upang mapabilis ang pagsulong ng kaalaman, teknolohiya, at inobasyon, na makakatulong sa mga layunin tulad ng food security, tamang nutrisyon, malinis na tubig, at kalusugan ng publiko.
Dagdag pa ni Solidum, ang nasabing pondo ay magsisilbing daan para mapalakas ang kalidad ng edukasyon sa agham at teknolohiya, at upang mas mapabuti ang kakayahan ng bansa sa pagresponde sa mga sakuna at kalamidad, maging natural o gawa ng tao.