Namahagi nitong Martes ng mga gamot ang pamahalaang panlalawigan ng Romblon sa mga Persons with Disabilities, Senior Citizens, Indigent Patients, Pregnant Women at batang edad 5 taong gulang pababa sa bayan ng Looc, Romblon.
Ayon kay Governor Jose Riano, ang mga gamot na ito mga vitamins and maintenance na magagamit ng mga benepisyaryo.
Naatasan ng tanggapan ni Governor Riano si PDAO chief Cyril Dela Cruz na pangunahan ang pag distribute ng mga gamot kasama ang mga health workers ng pamahalaang panlalawigan.
Ang nasabing distribution ay kick-off nang naka-schedule na distribution ng mga gamot sa buong isla ng Tablas.
Maliban sa Looc ay kasalukuyang namamahagi rin ng mga gamot sa Romblon Provincial Hospital na magtatagal hanggang August 11.
Kabilang sa mga gamot ay zinc drops, multivitamins drops, multivitamins syrup para sa mga bata; ascorbic acid, vitamin b1, b6, at b12 para sa mga matatanda; ferrous sulfate at folic acid naman para sa mga buntis; at maintenance medicines para sa ilang matatanda at mga senior citizens.