Tagumpay na nailigtas ng Philippine Coast Guard – Romblon kasama ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ang dalawang mangingisda na nasiraan ng bangka sa Brgy. Sugod, San Agustin, Romblon, kahapon, ikaw-27 ng Agosto 2023.
Ang mga sakay ng motor ay kinikilalang sina Bryan M. Madeja at Ronie Panuga.
Kahapon ng alas kwatro nang humingi ang mga kamag-anak ng biktima upang iulat ang nangyari at humingi ng tulong ukol sa kalagayan ng dalawang mangingisda.
Kaagad namang nagsagawa ng operasyon ukol dito ang PCG kasama ang PDDRMO na sakay ng “One Romblon” at nailigtas nga ang dalawang sakay kasama na ang bangka nito na kasalukuyang nasa baybayin ng Brgy. Bagacay, Romblon, Romblon.
Ayon sa dalawang mangingisdang nailigtas, naglayag sila mula Brgy. Agnipa ng alas-kwatro ng ika-27 ng Agosto para mangisda ngunit habang pauwi, bandang alas tres ng hapon ng parehong araw ay nagka aberya ang makina nito na naging kadahilanan ng pagkastranded nito sa karagatan.
Nasa mabuting kalagayan na ang mga nasabing mangingisda at matiwasay na na umuwi sa kani-kanilang mga pamilya.
The author is an intern of Romblon News Network taking Bachelor of Arts in Broadcasting at Polytechnic University of the Philippines.