Umabot sa Php 1.33 bilyon ang nasira sa sektor ng agrikultura matapos salantain ng bagyong Paeng ang mga rehiyon ng Cordillera Administrative Region (CAR), Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, at Soccksargen nitong Oktubre 29. Ito ay ayon sa datos nakalap ng Department of Agriculture Regional Field Offices.
Kaugnay nito, 53, 489 magsasaka at mangingisda ang naapektuhan mula sa mga nabanggit na rehiyon. Tinataya namang umabot sa 66,963 metric tons (MT) ang naging volume of production loss at 64,607 hektarya ng lupain ang naspinsala ng naturang bagyo. Kabilang sa mga naapektuhang produksyon ay ang bigas, high value crops, livestock and poultry, at pangisdaan. Nakapagtala rin ng pinsala sa ibang mga pasilidad na pang agrikultura.
Patuloy naman ang isinasagawang pakikipatulungan ng naturang ahensiya sa mga National Government Agencies (NGAs) at Local Government Units (LGUs) upang alamin ang mga karagdagang datos na kinakailangan hinggil sa naging epekto ng bagyon PH sa kani-kanilang lugar. Sa pamamagitan nito, ay mas mapabibilis ang paglapat ng interbensyon at mga programang kinakailangan ng mga mamamayan naaepktuhan.
Samantala, bilang tugon sa mga naapektuhang magsasaka at mangingisda, mayroong mga programa at proyekto na ipinagkakaloob ang DA. Ilan lamang sa mga ito ay ang pamamahagi ng rice, corn, and vegetable seeds; mga gamot at biologics para sa mga livestock at poultry; fingerlings at assistance sa pamamagitan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR); Surivival and Recovery (SURE) Loan Program mula Agricultural Credit Policy, at Quick Response Fund (QRF) para sa rehabilitasyon ng mga apektadong lugar. (JJGS/PIA MIMAROPA)