Posibleng makaapekto sa turismo sa bayan ng Calatrava, Romblon ang ginagawang causeway projet ng Department of Public Works and Highways sa kanilang bayan.
Sa liham ni Mayor Marieta Babera sa DPWH-Romblon noong September 5, sinabi nito na ang ginagawang causeway project ay nasa harap mismo ng town proper at magiging obstruction sa ganda ng beach front ng bayan.
Naglabas rin ng parehong hinaing ang Sangguniang Bayan ng Calatrava sa pamamagitan ng ipinasa nilang resolusyon.
Ayon sa kanila, mas mabuti umanong ilipat sa left side ng fishport ang proyekto dahil mas makakatulong umano ‘yung sa expansion ng town proper.
Sa isang sulat naman ni DPWH Romblon OIC Engr. Elena Castilan, sinabi nito na hindi nila mapapagbigyan ang request ng lokal na pamahalaan ng Calatrava dahil kailangan pa ito ng approval mula sa ahensya.
Maraming mga residente ng bayan ng Calatrava lalo na ng Barangay Poblacion ang nagulat sa biglang pagsulpot ng nasabing proyekto sa beachfront ng Calatrava.
Sa Sabado, October 8, isang grupo ang magsasagawa ng prayer rally sa Poblacion Beach para ipakita ang kanilang pagtutol sa nasabing proyekto.