Nagbigay ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) – Mimaropa sa ilang residente ng Corcuera, Romblon na nakatira sa mga lugar na emergency prone areas.
Sa pamamagitan ng programang Food-for-Work ng ahensya, aabot sa 525 na residente ng isla ng Simara ang nakatanggap ng family food packs.
Ang mga benepisyaryo ay nakatanggap ng tig-isang kahong Family Food Packs kapalit ng pagtrabaho kagaya ng paglilinis sa baybaying dagat, canal de-clogging, at paglilinis sa mga daanan sa mga barangay.
Ayon sa DSWD, ang Food for Work Program ay bahagi ng paghahanda ng munisipyo at ng ahensya para sa posibleng kalamidad katulad ng bagyo, maging ng epekto ng masamang panahong dala ng habagat.
Sa website ng ahensya, ipinaliwanag ng DSWD na ang mga naturang programa, kabilang ang ‘food-for-work’ program ay “naghihikayat sa pakikilahok ng komunidad sa pagpapatupad ng community-defined project na may kaugnayan sa paghahanda sa sakuna, pagtugon, muling pagtatayo at rehabilitasyon, kabilang ang hunger mitigation and food security projects.
Nakakatulong rin umano ito sa pag-generate ng temporary na employment sa mga residente ng lugar.