Tuluyan ng tinanggal ng Pagasa ang tropical cyclone wind signal sa buong lalawigan ng Romblon nitong gabi ng Biyernes, Deember 17, kasabay ng paglayo sa kalupaan ng bansa ng bagyong Odette.
Sa weather bulletin ng Pagasa (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration), huling namataan ang mata ng bagyo sa layong 105km Northwest ng Puerto Princesa City, Palawan.
Tinatahak nito ang Westward direction sa bilis na 20 km/h taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 150 km/h malapit sa gitna at bugsong aabot sa 185 km/h.
Inaasahang bukas ng gabi ay nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Odette.
Sa ngayon mga lugar nalang sa Palawan ang may storm signal.