Sa pangunguna ni Plt. Nanette Pablico, tumungo ang mga tauhan ng Calatrava Municipal Police Station sa Sitio Little Tondo, Brgy. Linao, Calatrava, Romblon noong ika-23 ng Mayo upang mamahagi ng mga tsinelas sa mga bata sa lugar.
Maliban sa pamamahagi ng mga tsinelas, nagsagawa rin ng information dissemination ang mga kapulisan sa pamamagitan ng lecture/symposium patungkol sa Community Anti-Terrorism Awareness (CATA) and Know Your Enemy (KTE); Drug Abuse Awareness; RA 9262, RA 8353 at RA 7610.
Gayundin, nagsagawa sila ng pamimigay ng assorted grocery items at libreng gupit at nagpakain sa mga dumalo.
Sa parehong programa, nagpakitang gilas rin ang mga kapulisan sa pamamagitan ng pagsayaw na nagbigay ng saya sa mga nanood.
Ayon sa Calatrava MPS, ang programa ay parte nila sa Whole-of-Nation Approach ng pamahalaan alinsunod sa Executive Order No. 70 ni Pangulong Rodrigo Duterte