Maliban sa swab test mula sa Research Institute for Tropical Medicine at sa DOH accredited centers, papayagan ring requirement ang saliva test na ino-offer ng Philippine Red Cross (PRC).
Ito ay base sa Ammended Health Protocols o Annex A ng Executive Order No. 008 s. 2021 na inilabas ni Governor Jose Riano kahapon, March 04.
Ang Covid-19 saliva testing ay nagkakahalaga ng PHP2,000, di hamak na mas mura ng na PHP1,800 kaysa sa nasopharyngeal swab test.
Batay sa protocol, ang reverse transcription polymerase chain reaction (rRT -PCR) test ay dapat na kinuha sa loob ng nakaraang 72 oras mula sa pagdating sa lalawigan.
Dapat rin umanong hilingin ng pasahero sa laboratory na kinunan ang test na ipadala ang resulta direkta sa Province Incident Management Team.
Kailangan rin umanong ipakita ang resibo ng testing upang masiguro at hindi mapeke ang resulta.
Maliban dito sa test result, kinakailangan ring humingi ng patunay na nagkaroon ng koordinasyon ang uuwing pasahero sa pupuntahan niyang munisipyo bago ito payagang papasukin ng probinsya.
Para sa listahan ng mga accridted centers ng DOH, bisitahin lamang ang link na ito: https://hfsrb.doh.gov.ph/list-of-covid19-lab/