Isang nanghihinang pawikan ang nailigtas ng mga mangingisda sa pagkakapulupot nito sa isang lubid sa bayan ng Romblon, Romblon nitong Linggo ng umaga.
Sa ulat ng Pamamalakaya at Wastong Ingat sa Karagatan Ng Agpanabat ay Nagkakaisa o PAWIKAN, nakita umano ni Salvador Dela Vega sa karagatang sakop ng Barangay Agpanabat ang pawikan na isang green sea turtle habang siya ay naninisid at namamana ng isda.
Pagkatapos matanggal sa pagkakapulupot sa tali, agad niya itong dinala pampang upang patingnan sa mga bantay dagat sa pangunguna ni Job Martinez at Obet Maaba.
Sa pagsusuri ng Bantay Dagat, lumalabas na may lapad ang pawikan na aabot sa limangpu’t tatlo (53) at may habang pitongpu’t walo (78).
Matapos masukat at masigurong kaya na nitong bumalik sa dagat, agad rin itong pinakawalan.
Ang green sea turtle ay isang uri ng pawikan na nganganib ng maubos sa Pilipinas.