Inilunsad nitong ika-8 ng Abril sa bayan ng San Fernando ang proyektong hihikayat sa mga residente sa lugar na magsagawa ng ‘backyard gardening’ ngayong panahong may ipinatutupad na enhanced community quarantine sa Lugar.
Tinawag ang proyektong “Bahay ko, Garden ko”, base sa sa executive order na inilabas ni Mayor Salem Tansingco.
Naglalayon ito na ang ang bawat tahanan ay magkaroon ng vegetable backyard garden para masiguro ang siguridad ng pagkain at tamang nutrisyon sa isang pamilya.
Sa nasabing proyekto, bibigyan ng lokal na pamahalaan ng San Fernando sa pangunguna ng Municipal Agriculture Office, ang mga bahay ng mga vegetable seeds, at iba pang kagamitan sa pagtatanim.
Makakatulong rin umano ito para mapanatili ang mababang presyo ng mga gulay lalo pa umano ngayong pahirapan ang pagpasok ng mga goods mula sa ibang bayan at probinsya dahil sa banta ng Covid-19.
Maliban rito, sinabi rin sa executive order ni Mayor Tansingco na magkakaroon ng taunang kompetisyon sa bayan kung saan ang paparangalan ang pinakamalinis at eco-friendly na barangay at pamilya.