Hindi nakapasa sa mga requirements ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang dalawang bayan sa lalawigan ng Romblon kaugnay sa kampanya para linisin ang mga kalsada at sidewalks mula sa obstructions.
Ayon sa listahan na nilabas ng DILG, kabilang ang mga bayan ng Calatrava at Santa Maria sa 97 na LGUs sa buong bansa ang nakakuha ng bagsak na grado sa ginawang validation ng DILG nitong nakaraang linggo.
“Following the strenuous validation efforts of the DILG, 97 LGUs all over the country which were non-compliant will be issued show cause orders today. These were LGUs that garnered a failed rating in the validation conducted by the Department,” ayon sa press statement ng DILG.
Base sa listahan, 7 ag bayan mula sa MIMAROPA Region, 11 sa Ilocos Region, 1 sa Cagayan Valley at Central Luzon, 10 sa Region 5, 1 sa Western Visayas, 12 sa Central Visayas, 9 sa Eastern Visayas, 18 sa Zamboanga Peninsula, 13 sa Northern Mindanao, 3 sa Davao Region at Soccsksargen, at 4 sa Caraga at sa Cordillera Administrative Region o CAR.
“As clearly stated by the President in his SONA (State of the Nation Address), sa kabila ng ating tagumpay, mahalaga din na makita ng ating mga kababayan na dapat may managot sa hindi pagtupad sa kautusan ng Pangulo (despite our victories, the public needs to see that those who did not follow the President’s order will be held liable),” ayon kay DILG Secretary Eduardo M. Año.
“They can be charged with dereliction of duty, negligence – administratively, possible suspension depends on the Ombudsman,” dagdag nito.
Sinabi rin ni Año na ang mga non-complaint LGUs ay bibigyan ng 5 araw para magpaliwanag, at kung hindi, ipapadala ng DILG ang kanilang mga pangalan kay President Rodrigo Duterte para masampahan ng kaukulang reklamo sa opisina ng Ombudsman.
Wala pang pahayag ang mga lokal na pamahalaan ng Calatrava, at Santa Maria kaugnay rito.
Samantala, pinuri naman ni Año ang mga pumasong LGUs sa utos ni Pangulong Duterte.
“We congratulate the LGUs for their commitment. Sa totoo lang, mahirap itong trabahong ito (Honestly, this is a difficult job) but despite this, we have achieved resounding participation and compliance from a greater number of LGUs,” ayon kay Año.